MENSAHE NG KAPAYAPAAN SA KALILANGAN
(Prepared by Gandhi, 2/27/2011)
KALILANGAN, ITO AY KAPANAHUNAN NG PAGSASAYA, PAGDIRIWANG AT PAGKAKAISA. TAUN-TAON NATING PINAPAHALAGAHAN ITONG CELEBRASYON, TAYO’Y NAGTITIPUN-TIPON UPANG MAIPAKITA AT MAIPADAMA ANG PAGKILALA SA IBAT-IBANG KULTURA AT TRADISYON NG MGA MAMAMAYAN NITONG ATING BAYAN.
MATAGAL NANG PANAHON NA TAYO’Y SABAY-SABAY NA NAGSASAYA SA PAGDIRIWANG NITONG KALILANGAN. ITO AY PAGPAPATUNAY NA ATING PINAPAHALAGAHAN ANG RESPETO SA BAWAT ISA AT PAGMAMAHAL SA KAPWA ANUMAN ANG ATING PANINIWALA.
BAGKOS, ITONG ATING GINAGAWA AY NAGIGING GANAP NA KULTURA -- KULTURA NG PAGMAMAHALAN, KULTURA NG PAGBIBIGAY GALANG, AT SA MADALING SALITA, ITO AY KULTURA NG KAPAYAPAAN.
ANG KULTURA NG KAPAYAPAAN, ATING ISAPUSO AT PAGYAMANIN. ITO AY ISANG KAYAMANAN, KAYA NARARAPAT LAMANG NA PAHALAGAHAN.
ANUMAN ANG ATING ANTAS SA LIPUNAN, ORDINARYONG MAMAMAYAN KA MAN O NAHALAL SA KATUNGKULAN, MAGING BAHAGI KA SA PAGTATANIN NG KULTURA NG KAPAYAPAAN SA ATING LIPUNAN.
KASIHAN TAYO NAWA NG DAKILANG LUMIKHA. AMEN.
No comments:
Post a Comment